Tuesday, March 10, 2009

"Kabugan"

Kabugan

Mga Literal na Aspeto

Dalawa ang bahagi ng palabas. Ang una ay pinamagatang “Kulay Rosas Ang Dapit-Hapon Minsan Sa Isang Taon” at ang ikalawa naman ay ang “Anino”

Ang unang bahagi ay patungkol sa isang babae na nanggaling sa probinsya na walang kinausap na katao nang isang taon, hanggang makilala niya ang isang lalaki sa zoo. Sila ay naging matalik na kaibigan at may makakapagsabi pa nga na sila ay magkasintahan na. Subalit sa huli, sila rin ay pinatay ng selosang asawa ni lalaki.

Ang ikalawang bahagi ng pelikula ay tungkol naman sa matandang dalaga na si Luna, at ang kanyang kalaguyo na si Maryo, ang anak ng kanyang naging asawa. Matinding lagim ang bumabalot sa kanilang dalawa at katumbas noon ay kasing dami at kasing bigat na sikreto.

Ang tema ng unang bahagi ay pag-ibig at ang ikalawa naman ay lagim, misteryo, at nakakatakot ang iilang eksena.

Subalit, ano nga ba ang salitang “Kabugan”? Sa aking palagay ay hindi naman iyon gaanong kaugnay ang palabas. Kung maari kong sabihin, ang buong pelikula ay isang “Kabalastugan”.

Mga Aspetong Dramatiko

Ang mga tauhan ay maayos umarte kung hindi naman gaano kagandahan. Mayroong mga eksena na dapat nilang tinoonan ng pansin ang pagganap upang sumakto sa emosyon ng eksenang ginaganapan.

Ang iskript ay baduy para doon sa unang bahagi ng pelikula. Ang dayalogo naman sa ikalawa ay, sa salitang Ingles, interesting. Ngunit, kahit ganoon pa man, hindi gaanong kagandahan ang pelikula.

1 comment:

  1. Nasaan ang pagsusuri mo? hindi naging malalim ang pag-aanalisa. 75%

    ReplyDelete