"Ploning"
Mga Aspetong Literal
Sa manoonood, kung maititingnan niya nang mabuti ang pagdadala at pagpapahayag ng kwento ng pelikulang Ploning ay matutukoy niya na kapansin-pansin na ito ay nilalaman ng mga ibinabahaging kuwento ang bawat persona. Ang pelikulang Ploning ay maraming kuwento sa loob ng isang kuwento.
Iilan dito ay patungo kay Ploning, ang napakamisteryosang babae kung saan ang pagkatao ay tago sapagkat walang nagsasabi sa kuwento(o kung kaya’t hindi talaga nila alam) ang totoong pangalan ng dalaga at tawag lamang sa kanya ay ang palayaw. Ibang bahagi naman ng isinukat na oras sa katagalan ng pelikula ay umiikot sa kabataan ni Digo, ang tumayong ‘anak-anakan’ ni Ploning. Lumipas ang taon at siya ay naglayas, nagging Muo Sei, at bumalik sa Cuyo lumipas ng dalawamput-limang(25) taon at binalikan ang kanyang tahanan nung siya ay bata pa lamang, hinahanap ang kanyang tumayong ina na si Ploning.
Iba naman sa mga tauhan ay si Juaning, ang ina ni Digo na ipinakita sa pagpapahayag ng pelikula sa kanyang pagkabata. Si Susing, ang ama ni Ploning. Si Celeste, Nieves at marami pa.
Ang simula ng mga kuwentong ito ay naganap sa isla ng Cuyo, Palawan noong mga taong 1980’s,. Binalak pumunta ni Ploning ng Maynila para sa kanyang mga dahilan at upang makahanap ng trabaho, ngunit hindi ito pinahihintulutan ng kanyang ama at ng anak na si Digo. Hindi umalis ang dalaga pero lumayas naman si Digo sapagkat inakala niya na umalis ang kanyang nanay Ploning papuntang Maynila. Makalipas ang dalawamput-limang (25) taon, bumalik si Digo upang alamin ang katotohanan ng dalaga na—makalipas ang ganoon katagal na panahon—maaring hindi na dalaga at tumanda o kaya’t mas mahirap tanggapin – pumanaw na.
Ang tema ng pelikulang ito ay tumutukoy sa Pag-Ibig. Maging sa kaibigan, kapatid, kasintahan o magulang. Ang emosyon nitong “Ploning” ay malalim na drama na hinihikayat na tumatak sa puso.
Mga Aspetong Dramatiko
Ang pagganap ng dalagang si Judy Ann Santos ay makapaniwala at tila walang bakas ng kakulangan sa paghahanda para sa karakter. Ang pagsasalita niya ng Cuyunon ay natural at kapanipaniwala lalo na at hindi naman talaga siya taga-roon sa isla ng Cuyo. Ang mga aktor ay napili nang mahusay at bumabagay ang itsura sa lugar ng Cuyo maliban lamang sa dalaga sapagkat ang kanyang kutis at pagkaayos ay tila isang probinsiyanang ipinanganak sa isang mayaman na gobernador. Naipakita ng mga gumanap ang kabuhayan ng my Cuyunon – Kung paano nila inilalaan ang oras sa mga bagay-bagay at ipinahayag din na ang isang Cuyunon ay marunong lumangoy.
Ang mukha ng baway aktor ay nagpapakita ng matinding emosyon – maging kalungkutan, kasiyahan, o matinding galit sapagkat ang Cuyunon ay isang madamdamin na lenguahe – puno ng emosyon sa bawat salita.
Ang pagpapakita at pag-arte ng bawat aktor ay sakto lamang sa nais ipakita na emosyon sa bawat eksena. Iilan nga lang naman sa eksenang iyon ay hindi sumasabay o hindi naihahayag ng aktor ang tamang emosyon. Isa dito ay ang monologo patungo sa Diyos Ama.
Para sa akin, epektibo ang pagpapahayag ng dayalogo at pagganap ng karakter maliban lamang sa ibang eksena.
Hindi naging kritikal ang pag-aanalisa tila bantilaon sa pagkakaluto. Kung naging kritikal sana ay higit na mailuluto ang inaasam na lasa ng pagkilatis. 79%
ReplyDelete