Tuesday, March 10, 2009

"Kabugan"

Kabugan

Mga Literal na Aspeto

Dalawa ang bahagi ng palabas. Ang una ay pinamagatang “Kulay Rosas Ang Dapit-Hapon Minsan Sa Isang Taon” at ang ikalawa naman ay ang “Anino”

Ang unang bahagi ay patungkol sa isang babae na nanggaling sa probinsya na walang kinausap na katao nang isang taon, hanggang makilala niya ang isang lalaki sa zoo. Sila ay naging matalik na kaibigan at may makakapagsabi pa nga na sila ay magkasintahan na. Subalit sa huli, sila rin ay pinatay ng selosang asawa ni lalaki.

Ang ikalawang bahagi ng pelikula ay tungkol naman sa matandang dalaga na si Luna, at ang kanyang kalaguyo na si Maryo, ang anak ng kanyang naging asawa. Matinding lagim ang bumabalot sa kanilang dalawa at katumbas noon ay kasing dami at kasing bigat na sikreto.

Ang tema ng unang bahagi ay pag-ibig at ang ikalawa naman ay lagim, misteryo, at nakakatakot ang iilang eksena.

Subalit, ano nga ba ang salitang “Kabugan”? Sa aking palagay ay hindi naman iyon gaanong kaugnay ang palabas. Kung maari kong sabihin, ang buong pelikula ay isang “Kabalastugan”.

Mga Aspetong Dramatiko

Ang mga tauhan ay maayos umarte kung hindi naman gaano kagandahan. Mayroong mga eksena na dapat nilang tinoonan ng pansin ang pagganap upang sumakto sa emosyon ng eksenang ginaganapan.

Ang iskript ay baduy para doon sa unang bahagi ng pelikula. Ang dayalogo naman sa ikalawa ay, sa salitang Ingles, interesting. Ngunit, kahit ganoon pa man, hindi gaanong kagandahan ang pelikula.

"Ploning"

"Ploning"

Mga Aspetong Literal

Sa manoonood, kung maititingnan niya nang mabuti ang pagdadala at pagpapahayag ng kwento ng pelikulang Ploning ay matutukoy niya na kapansin-pansin na ito ay nilalaman ng mga ibinabahaging kuwento ang bawat persona. Ang pelikulang Ploning ay maraming kuwento sa loob ng isang kuwento.

Iilan dito ay patungo kay Ploning, ang napakamisteryosang babae kung saan ang pagkatao ay tago sapagkat walang nagsasabi sa kuwento(o kung kaya’t hindi talaga nila alam) ang totoong pangalan ng dalaga at tawag lamang sa kanya ay ang palayaw. Ibang bahagi naman ng isinukat na oras sa katagalan ng pelikula ay umiikot sa kabataan ni Digo, ang tumayong ‘anak-anakan’ ni Ploning. Lumipas ang taon at siya ay naglayas, nagging Muo Sei, at bumalik sa Cuyo lumipas ng dalawamput-limang(25) taon at binalikan ang kanyang tahanan nung siya ay bata pa lamang, hinahanap ang kanyang tumayong ina na si Ploning.

Iba naman sa mga tauhan ay si Juaning, ang ina ni Digo na ipinakita sa pagpapahayag ng pelikula sa kanyang pagkabata. Si Susing, ang ama ni Ploning. Si Celeste, Nieves at marami pa.

Ang simula ng mga kuwentong ito ay naganap sa isla ng Cuyo, Palawan noong mga taong 1980’s,. Binalak pumunta ni Ploning ng Maynila para sa kanyang mga dahilan at upang makahanap ng trabaho, ngunit hindi ito pinahihintulutan ng kanyang ama at ng anak na si Digo. Hindi umalis ang dalaga pero lumayas naman si Digo sapagkat inakala niya na umalis ang kanyang nanay Ploning papuntang Maynila. Makalipas ang dalawamput-limang (25) taon, bumalik si Digo upang alamin ang katotohanan ng dalaga na—makalipas ang ganoon katagal na panahon—maaring hindi na dalaga at tumanda o kaya’t mas mahirap tanggapin – pumanaw na.

Ang tema ng pelikulang ito ay tumutukoy sa Pag-Ibig. Maging sa kaibigan, kapatid, kasintahan o magulang. Ang emosyon nitong “Ploning” ay malalim na drama na hinihikayat na tumatak sa puso.


Mga Aspetong Dramatiko

Ang pagganap ng dalagang si Judy Ann Santos ay makapaniwala at tila walang bakas ng kakulangan sa paghahanda para sa karakter. Ang pagsasalita niya ng Cuyunon ay natural at kapanipaniwala lalo na at hindi naman talaga siya taga-roon sa isla ng Cuyo. Ang mga aktor ay napili nang mahusay at bumabagay ang itsura sa lugar ng Cuyo maliban lamang sa dalaga sapagkat ang kanyang kutis at pagkaayos ay tila isang probinsiyanang ipinanganak sa isang mayaman na gobernador. Naipakita ng mga gumanap ang kabuhayan ng my Cuyunon – Kung paano nila inilalaan ang oras sa mga bagay-bagay at ipinahayag din na ang isang Cuyunon ay marunong lumangoy.

Ang mukha ng baway aktor ay nagpapakita ng matinding emosyon – maging kalungkutan, kasiyahan, o matinding galit sapagkat ang Cuyunon ay isang madamdamin na lenguahe – puno ng emosyon sa bawat salita.

Ang pagpapakita at pag-arte ng bawat aktor ay sakto lamang sa nais ipakita na emosyon sa bawat eksena. Iilan nga lang naman sa eksenang iyon ay hindi sumasabay o hindi naihahayag ng aktor ang tamang emosyon. Isa dito ay ang monologo patungo sa Diyos Ama.

Para sa akin, epektibo ang pagpapahayag ng dayalogo at pagganap ng karakter maliban lamang sa ibang eksena.

Iiyak Na Lang by Calzada
Lyrics by: Lito Camo

Dati laging magkatabi
Masaya araw at gabi
Magkasukob s iisang bubong
Pareho ang ibinubulong
Mahal kita, Mahal mo rin ako
Habang atin ang mundo
At para bang walang kapaguran
Ang ligayang nararamdaman
Isang iglap lahat ay nag iba
Mga mata ngayo'y may luha na
Di rin pla magkakasundo
Kaya biglang nagkalayo

Iiyak na lang, iiyak na lang
Di mo ba alam mayrong nasasaktan
Iiyak na lang, iiyak na lang
Di mo ba alam ako'y nasasaktan

Dati laging naririnig
Ako lang ang bukang bibig
At para bang ayaw maghiwalay
Pagmagkahawak ang mga kamay
Parang bula damdamin nawala
Kaya ngayon mata'y lumuluha
Di rin pla tau magtatagal
Mayron ka ng ibang mahal

Iiyak na lang, iiyak na lang
Di mo ba alam mayrong nasasaktan
Iiyak na lang, iiyak na lang
Di mo ba alam ako'y nasasaktan
Wooohhh...

Dati laging magkatabi
Masaya araw at gabi
Magkasukob sa iisang bubong
Pareho ang ibinubulong

Iiyak na lang, iiyak na lang
Di mo ba alam mayrong nasasaktan
Iiyak na lang, iiyak na lang
Di mo ba alam ako'y nasasaktan
Iiyak na lang, iiyak na lang
Di mo ba alam mayrong nasasaktan
Iiyak na lang, iiyak na lang
Di mo ba alam ako'y nasasaktan...

[Ubos na ang luha koBumalik ka langAlam ko may mahal ka ng ibaKaya di na ko aasa pa]


Personipikasyon/Pagbibigay-Katauhan -
Paglilipat-Wika/Paurintao -
Pagmamalabis/Hyperboli
”... Habang atin ang mundo”

Pagpapalit-Tawag/Metonimy” …Magkasukob s iisang bubong” , “…Ako lang ang bukang bibig”
Pagpapalit-Saklaw/Synecdoche”... Mga mata ngayo'y may luha na”
Pagtatanong-Retorika

Pagsalungat/Epigram
Pagtawag/Apostrophe
Pag-uyam/ Irony/ Sarcasm
Pagtanggi/ Litotes

Pag-uulit/ Alliteration
Paghihimig/ Onomatopoeia – Oksimoron

"Siklab"

“Siklab”

Ang salitang “siklab” ay katumbas ng “spark” sa salitang banyaga o Ingles. Ito ay kumakahulugan sa maliit na bahagi ng apoy. Paminsan ay ito ay nagsisilbi ring hudyat na nagsimula ng maraming malalaking apoy na nakakapinsala. Kung gayon, ang “siklab” ay nagagamit sa hindi literal na kahulugan upang ipahayag ang simula—tulad ng mga apoy na nakakapinsala—ng mga pangyayari sa ating mundo na nakapagbago, nakapagpabuti man o nakasama sa mga panahon noong simula hanggang sa umabot sa ngayon.

Kung ganoon naman, ito ang aking napili na bansag o pangalan para sa aking blog sapagkat ang nais kong ipahayag sa mambabasa ay ang maaring ganapan na tungkulin nito. Ang nais kong maiparating ay ang aking blog—o kaya naman upang mas maging klaro—ang mga nilalaman ng aking “siklab blog” ay maaring magsilbing hudyay upang mabuksan ang isip ng bumabasa nito sa hubad na katotohanan ng mga bagay-bagay, maliit man o malaki at hindi lamang ang katotohanan na nais niyang makita o nais ng iba na ipakita sa kanya.

Isang siklab para sa katotohanan ng nakakarami.